Home NATIONWIDE Huthis ituturing na terrorist group ng US

Huthis ituturing na terrorist group ng US

UNITED STATES – Ituturing ng Estados Unidos ang Iran-backed Huthi rebels ng Yemen bilang teroristang grupo, matapos na alisin ito sa klasipikasyon noong 2021.

Ang paglalagay sa Huthis sa listahan ng mga teroristang grupo ay kasunod ng mga pag-atake nito sa shipping at military vessels sa Red Sea.

Nitong Martes, Enero 16, sinabi ng US military na tinira nito ang apat na anti-ship missiles “prepared to launch from Huthi-controlled areas,” at “presented an imminent threat to both merchant and US Navy ships in the region.”

Ito ang ikatlong pagkakataon ngayong linggo na nagkasa ng strike ang US laban sa mga Huthis, na paulit-ulit na kumukubkob sa mga barko sa Red Sea.

Ayon sa mga rebelde, ang pag-atake ay bilang suporta sa mga Palestinian sa Gaza, sa nagpapatuloy na pag-atake ng Israel sa grupong Hamas.

Sinabi rin ng US military na ang Huthis ay naglunsad ng anti-ship ballistic missile sa international shipping lanes nitong Martes, at iniulat na tinamaan ang Maltese-flagged bulk carrier ngunit nananatili itong seaworthy. RNT/JGC

Previous articleTarget sales ng mga sasakyan noong 2023, nahigitan pa
Next articleMisis tigok sa bigti