Home METRO HVI, 3 pa nalambat sa P’que drug bust

HVI, 3 pa nalambat sa P’que drug bust

MANILA, Philippines- Nadakip ang apat na drug suspects, kabilang ang isang high value individual (HVI), ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City police sa ikinasang buy-bust operation Miyerkules ng umaga, Hunyo 26.

Kinilala ng Parañaque City police ang mga inarestong suspek na sina alyas Jerico, 28, ang itinuturing HVI; alyas Julie, 27; alyas Asnawi, 29; at isang alyas Abigail, 30.

Base sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Leon Victor Rosete, naganap ang pag-aresto sa mga suspek sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-5 ng umaga sa Santiago Street, Barangay Baclaran, Parañaque City.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 65 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱442,000.

Ang narekober na hinihinalang shabu na gagamitin sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa quantitative at qualitative analysis.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“This successful operation highlights the Southern Police District’s unwavering commitment to eradicating illegal drugs within the community. The public is encouraged to continue supporting law enforcement efforts by reporting any suspicious activities,” ani Rosete. James I. Catapusan