Home METRO HVI arestado sa P2.1M shabu

HVI arestado sa P2.1M shabu

252
0

MANILA, Philippines- Nasa mahigit P2.1 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) matapos masakote sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Edward Rosario alyas “Nyuk”, 36, outo-mechanic at resisente ng 259 Del 96 St., Brgy. 74, Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Norhern Police District (NPD) P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-8:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon police ng buy-bust operation matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang maka-order sa suspek ng P10,000 halaga ng shabu kung saan sa Duhat St., Brgy. Potrero, Malabon City makipagkita umano si Rsario para gaganapin ang kanilang transaksyon.

Nang tanggapin ni Rosario ang markadong salapi mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka siya inaresto ng mga ito.

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 317.42 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P2,158,456 at buy-bust money na isang P1,000 bill, kasama ang 10-pirasong P1,000 boodle money.

Ani PMSg Randy Billedo, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura

Previous article190 indibidwal benepisyaryo ng libreng cataract surgery sa Parañaque
Next articleWATER IMPOUNDING FACILITIES MAY MALAKING  MAITUTULONG SA MAGSASAKA – NWRB

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here