Home METRO HVI tiklo sa P6.8M shabu

HVI tiklo sa P6.8M shabu

MANDAUE CITY, Philippines- Halos isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang nakumpiska mula sa isang high-value individual sa buy-bust operation na isinagawa sa Zone 7, Barangay Mantuyong, sa Mandaue City ng alas-12:20 ng madaling araw nitong Biyernes.

Kinilala ang High Value Individual (HVI) na 57-anyos na si Sydney Tanggarorang Dialimas alyas Rack Rack, residente ng Rizal St. sa Carcar City, Cebu.

Sangkot umano si Dialimas sa illegal drug trading, ayon sa MCPO.

Kaya umanong makapagbenta ni Dialimas ng halos 500 gramo ng shabu kada isang linggo na may customer network sa mga lungsod ng Mandaue, Lapu-Lapu, at Talisay.

Dawit din umano si Dialimas sa serious offenses. Dati na siyang nakulong noong 1984 ahil sa robbery, pinalaya noong 1991 mula sa New Bilibid Person. Mula 1994 hanggang 2002 naman ay nakapiit din siya dahil sa illegal possession of firearms at mula 2010 hanggang 2023 para sa homicide sa Abuyog Penal Colony. RNT/SA

Previous articleKaso ng online scam sa Pinas bumaba ng 40% noong Enero
Next articleP46.8M shabu, marijuana nasamsam sa Cordillera