Home METRO HVI timbog sa P1.7M shabu

HVI timbog sa P1.7M shabu

248
0

MANILA, Philippines- Swak sa loob ng kulungan ang isang lalaki na miyembro ng “Alvin Velasco Drug Group” at listed high value individual matapos madakip ng mga awtoridad makaraan magsagawa ang mga ito ng buy-bust operation laban sa suspek sa Valenzuela City, Huwebes ng madaling araw.

Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na kinilalang si Elmer Sarmiento y Soverano alyas “Topak”, 36, residente ng Area 3 Pinalagad Malinta ng nasabing lungsod.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PSSg Ana Liza Antonio, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation laban sa suspek sa Aca Road, MacArthur Highway, Malanday Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, isang undercover na pulis ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at makabili ng iligal na droga at nang ibigay nang suspek ang binili ng undercover na pulis na shabu agad na inaresto si Sarmiento ng mga pulis na nakapaligid sa nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang apat na knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 250 grams at tinatayang nasa P1,700,000 ang halaga isang genuine P500 na may kasamang tatlong P500 at 38 pirasong P1,000 peso bill boodle money, P300, Oppo cellphone, itim na beltbag at isang kulay asul na Honda Click na may plakang 221TQB na may susi.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Violation of Section 5 Sale, Trading, Administration, Dispensation, Delivery, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs and/or Controlled Precursors and Essential Chemicals at Section 11 Possession of Dangerous Drugs under Article II of RA 9165 sa Valenzuela City Prosecutors Office. R.A Marquez

Previous articleF2F oathtaking ng bagong speech language pathologists, civil engineers, CPAs inanunsyo ng PRC
Next articleBagong estratehiya vs money laundering ipinag-utos ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here