MANILA, Philippines – Nagpulong sina Justice Undersecretary at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Undersecretary-in-charge Nicholas Ty at Senador Risa Hontiveros kaugnay ng problema sa trafficking ng mga bata.
Sa nasabing courtesy call, ibinahagi ng IACAT kay Hontiveros ang mga programa at aksyon na ginagawa ng DoJ kaugnay sa pakikipaglaban sa trafficking sa bansa.
Ayon kay Ty, may inihahanda nang aksyon ang
DOJ, DENR, DSWD at DILG DILG, patungkol sa kontrobersyal na grupong Socorro Bayanihan Services Incorporated.
Kaugnay nito, nangako ang IACAT na tututukan nila ang pangunahing layunin na mailigtas sa kapahamakan at maging tunay na malaya ang mga kabataang miyembro ng SBSI. Teresa Tavares