Home NATIONWIDE Iba pang lugar ng WPS inaalam kung may nag-aani ng bahura –...

Iba pang lugar ng WPS inaalam kung may nag-aani ng bahura – PCG

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinitingnan din nito ang sitwasyon sa iba pang maritime features sa West Philippine Sea kung saan posible rin ang pag-aani ng coral.

Ito ay ayon kay West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela nang tanungin ng dzBB kung binabantayan din ng PCG ang iba pang lugar na maaaring dumaranas ng kaparehong kapalaran ng Rozul Reef at Escoda Shoal.

“On the part of the Philippine Coast Guard, to be honest, we are actually monitoring some areas still, some maritime features that fall within the exclusive economic zone of our country,” sagot ni Tarriela.

Gayunman, sinabi ng opisyal na hindi mabubunyag kung ang isang lugar ay mayroong coral destruction.

Aniya, hindi niya maipaliwanag kung maypagkakataon na nagyayari sa nasabing mga lugar katulad sa ibang maritime features na binabantayan ng PCG.

Nauna nang kinumpirma ng PCG ang “severe damage ” sa marine environment at coral reef sa seabed ng Rozul Reef at Escoda Shoal sa WPS matapos maispatan ang ilang Chinese maritime militia vessels .

Ang kumpirnasyon ay makaraang iulat ng Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-WesCom) ang mga kaso ng maraming coral na na-harvest sa Rozul (Iroquios) Reef na nasa Philippine’s exclusive economic zone.

Sa kabila nito,binigyan diin ni Tarriela na ang Pilipinas ay wala pang direktang ebidensya upang patunayan na ang China ang nasa likod ng coral damage sa WPS.

“’Yung Rozul Reef at Escoda Shoal, ito ang tinambayan nila for a very long period of time. When we conducted the underwater survey, ito ang bumungad— damaged corals, and may naka-dump na processed corals. Circumstantial, sila ang nandun sa area,” sabi pa ni Tarriela. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNet, bakal sa gilid ng bundok bawal na; Mayor Magalong na-fake news
Next articleBagong Pilipinas Service Fair pinuri ng PCSO Chief