Home HOME BANNER STORY Iba pang suspek sa Degamo killing, bumaligtad na rin

Iba pang suspek sa Degamo killing, bumaligtad na rin

MANILA, Philippines – Tatlo pang mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang bumaligtad sa nauna nilang testimonya na nag-uugnay kay suspended Congressman Arnie Teves Jr. sa kaso.

Kinumpirma ni Atty. Danny Villanueva na nagsumite na ng affidavit of recantation sina Rogelio Antipolo, Rommel Pattaguan at Dahniel Lora.

Ayon kay Villanueva, pumirma si Antipolo sa naunang salaysay dahil sa takot umano na maisailalim sa torture at mapahamak ang pamilya.

Magugunita na nitong Lunes, Mayo 22 ay naghain din ng affidavit of recantation si Osmundo Rivero sa Department of Justice at sinabing hindi niya talaga kilala si Teves at ang bodyguard ng kongresista na si Marvin Miranda.

Ayon kay Rivero, pinilit umano siya na pirmahan ang limang pahinang affidavit na nakasaad na si Teves ang nasa likod ng krimen.

Magugunita na napatay si Degamo noong Marso 4 sa loob mismo ng compound ng gobernador sa bayan ng Pamplona. Teresa Tavares

Previous articleToni, tinawag na cheap sa malaswang music video!
Next articlePrivate schools magsasara sa total ban sa “No Permit, No Exam” policy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here