Ibinuking ng solon: Matapang na dayuhang nakipagtalo sa Makati pulis, turista lang pala

Ibinuking ng solon: Matapang na dayuhang nakipagtalo sa Makati pulis, turista lang pala

April 28, 2020 @ 5:08 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Ibinuking ng isang kongresista na ang dayuhang nag-viral habang tumatangging arestuhin ay hindi isang residente ng Pilipinas bagkus ay isang turista lamang.

Sinabi ni 1-PACMAN Rep. Enrico “Eric” Pineda na kaniyang napag-alaman sa Bureau of Immigration (BI) na si Javier Parra Salvador ng Dasmariñas Village ay nagtataglay lamang ng isang tourist visa.

“Mr. Parra was only issued a tourist visa. He may already be overstaying in the Philippines. By his own admission, in the video recording released in social media, Mr. Parra employs 80 Filipinos. That is a violation of the conditions of his tourist visa which prohibits him from engaging in any form of business while in our country,” ani Pineda.

Noong Marso 19 ay ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang  temporary suspension ng lahat ng dayuhan gayundin din ang mga visa-free privileges ng lahat ng dayuhan.

Ang lahat ng dayuhan ay binigyan ng pagkakataon ng pamahalaan na makabalik sa kani-kanilang bansa kasunod ng ipinatupad na lockdown.

“The DFA already announced that all previously issued Philippine visas to foreign nationals are deemed cancelled. This was done so that foreign nationals will not stay in the Philippines during the COVID19 ECQ. Mr. Parra is not a permanent resident of the Philippines. If he only had a Tourist Visa, how is he staying here?”

Sa ngayon ay naghahanda na ang Makati police upang masampahan ng kaso siParra na lumabag sa pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).  Meliza Maluntag

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...