IBINUKO: Sa kabila ng ban, mainland Chinese patuloy na lumalapag sa PH- Imee

IBINUKO: Sa kabila ng ban, mainland Chinese patuloy na lumalapag sa PH- Imee

February 10, 2020 @ 5:26 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sa kabila ng ban, patuloy na dumarating ang daan-daan mainland Chinese sa Pilipinas mula sa ilang siyudad sa China may kumalat na 2019 novel Corona virus (nCov) ayon kay Senador Imee Marcos.

Sa pahayag, sinabi ni Marcos na sa patuloy na paglapag ng mga eroplano galing China, masusubukan ang bisa ng isang mandatory quarantine na iniutos ng gobyerno upang sugpuin ang paglaganap ng novel coronavirus sa bansa.

Ayon kay Marcos, may 15 direktang flight mula sa mga siyudad ng Hong Kong, Guangzhou, Shenzhen, Nanning and Wuxi ang lumapag sa Manila, Cebu, Clark, Davao at Kalibo nitong nakaraang Linggo. (Tingnan ang listahan sa ibaba)

Kasamang naitala na lumapag sa iba’t ibang paliparan sa bansa ang mga lokal na airlines na Royal Air Philippines at Philippines Air Asia, habang sa mga foreign airlines naman ang Cathay Pacific / Cathay Dragon, China Southern Airlines, at Hong Kong Airlines.

“Kung tuloy-tuloy ang kalakarang ito, maaring mawalang-bisa ang quarantine para sugpuin ang paglaganap ng nCoV at nagsisimula pa lamang ang buong mundo na labanan ito,” pahayag ni Marcos.

Minadali ng gobyerno noong Huwebes ang mga panuntunan sa pagbubukod o pagsasailalim sa quarantine ng mga taong maaring nahawa sa novel coronavirus dahil sa paglakbay sa China.

Ginawa ito ilang araw matapos ipagbawa ng gobyerno ang pagpasok ng mga foreigner na di naninirahan sa Pilipinas at ipinag-utos ang nasabing quarantine sa mga Pinoy galing China, pati na rin sa mga foreigner na pinayagang mamalagi sa bansa.

Hinikayat ni Marcos ang mga local government units na madaliin ang pagtatayo ng mga barangay isolation units para sa mga isasailalim sa quarantine at istriktong bantayan din ang mga balikbayan na mas gustong manatili sa bahay ng tinatakdang 14 araw, ayon na rin sa  patnubay ng Department of Health at ng Department of the Interior and Local Government.

“Kailangan tutukan kung aling mga LGU ang sumsunod at kung sino ang mga pasaway para hindi tayo mapako sa sisihan at hindi na lumaki ang problema natin sa nCoV,” ayon pa kay Marcos. Ernie Reyes

LISTAHAN NG MGA DIREKTANG FLIGHTS MULA CHINA (9 February 2020):

 

CEBU (3)

Hong Kong  Landed at 11:10 Cathay Pacific

Guangzhou  Landed at 12:03  China Southern Airlines

Hong Kong  Landed at 18:44  Cathay Pacific

 

 

CLARK (1)

Hong Kong  Landed at 10:01   Cathay Pacific

 

DAVAO (1)

Hong Kong  Landed at 15:38   Cathay Pacific

 

KALIBO (2)

Nanning      Landed at 06:04   Royal Air Philippines

Wuxi            Landed at 07:50   Royal Air Philippines

 

MANILA (8)

Hong Kong    Landed 05:23   Hong Kong Airlines

Hong Kong    Landed at 10:56   Cathay Pacific

Guangzhou    Landed at 06:14   Philippines Air Asia

Guangzhou    Landed at 10:38   China Southern Airlines

Guangzhou    Landed at 16:00   China Southern Airlines

Hong Kong    Landed at 18:35   Cathay Pacific

Guangzhou    Landed at 22:30   China Southern Airlines

Shenzhen       Landed at 23:10   Philippines Air Asia

 

Ernie Reyes

Share

Comments (24)

  • roberto Reply

    how can the lockdown succeed if many chinese can enter without the government noticing it or close your eyes and open your hands for the lagay. hey duterte did you know it or panelo. duterte countryman first before the chinese, kick them out in our country.??????????

    March 18, 2020 at 7:28 am
    • anton Reply

      tama po… asan n ngaun si pomelo.. after magabiso ng lockrd down nawala n rin… parang nagpada lang ng bola taz ayun mga kwawang lgu ang nmumuroblema

      March 19, 2020 at 1:44 pm
      • ANNIE Reply

        nabasa mo ba ? means ,yan na time.hindi naka ban ang ibang bansa at hindi pa naka lockdown ang Manila

        March 19, 2020 at 7:23 pm
      • annie Reply

        HELLO GUYS! FEB.10,2020.

        OLD NEWS

        March 19, 2020 at 7:24 pm
  • Dantemjuanitas Reply

    Old news Feb 10, 2020. What’s the use?

    March 18, 2020 at 8:50 am
  • ESLIE MARCELO Reply

    gaano katotoo ang balit? maaring totookasi sen IMEEispro duterte… but di kaya taktika lng kuno bakit nd man lang nyapinasaringan si pres. sa pagpayag sa kala ng mga lockdown… complete ockdown para tahimik na kakapasok ang mga taga china ayon saibinulgar ni IMEE?

    isip isip lng…

    March 19, 2020 at 5:41 am
  • Eij senarpus Reply

    how can we prevent the spreading of the virus if Chinese people keep on entering the country? May directives ba tayo na sinusunod or kunwakuwari lang lahat ng ito? COVID 19 is not a joke. If our governemnt keekeeps on allowing foreign people to enter the country, particularly those who are from CHINA, Philippines will be the next Wuhan. Stop them from entering the country.

    March 19, 2020 at 10:48 am
    • Teodoro Balonzo Reply

      Senador si marcos bakit di nia ilagay sa legislative agenda ang seryosong paglabag sa gobyerno natin? Talaga bang probinsya na tayo ng china?

      April 5, 2020 at 10:23 am
  • Ffer To Kris Reply

    i think they use the lockdown so that less people could know what is happrning outside is this a cover up i think imee marcos is not lying the covid is real but some are using the situation for their own purpose

    March 19, 2020 at 10:59 am
  • Dennis D. Tolentino Reply

    February 9, 2020 pa yong mga list ng flights na tinutukoy dto sa balita. Don’t mislead the people because lockdown started this March 15, 2020

    March 19, 2020 at 1:39 pm
  • annie Reply

    old news,
    feb.10,2010

    March 19, 2020 at 7:25 pm
  • migs Reply

    FEB. 2020 😑
    Buti chineck ko yung dates if they are really valid.

    March 20, 2020 at 3:52 am
  • Marc Anthony Fournier Labutay Reply

    he is a bullshitter..sira ulo din ang naniniwala dyan..imagine higita ang mga lgu tapos sya din nagpapasok ng mga chino pa rin..

    March 20, 2020 at 1:21 pm
  • Helen Sembrano Reply

    OMG ano bang klase itong quarantine kung laging ganyan na marami pang mga chinise na pinapasok ano pang saysay ang salitang lockdown at quarantine at siguradong walang alam ang ating Pangulo? kasiraan na naman yan parusahan yang mga hindi natupad sa batas ng covid19 kawaawa ang ating bansang Pilipinas🇵🇭🙏👊✌

    March 20, 2020 at 4:00 pm
  • Manuel Reply

    Na explain na yan. Mga incoming flights ay nag uwi ng mga Filipino lang. At yung mga paalis naman mga chinese na pinayagang umuwi sa kanila.

    March 20, 2020 at 4:07 pm
  • Mestizang Bangus Reply

    Mga kabayan pede ba Feb pa pala yan. Saka si Imee? Ano ba nagawa na sa bansa natin niyan? Ewan ko ba sa mga Pinoy hangga ngayon d pa din Alam Kung Sino MGA matino dapat iupo . Isa pa yang si Revilla. Nakulong na at lahat ibinalik pa ulit. Hoy Pinoy gising!!! Minana na ni Pres. Duterte Ang lahat Ng kabulastugang ginawa Ng nakaraang administration. Tingnan nyo din Ang mabuting gawa. Tungkol sa mga intsik, Sino ba me gusto sa mga intsik? Naisip nio ba sakaling pinakita ni Pres. Duterte Ang pagka ayaw sa MGA Intsik, me laban ba Ang Pilipinas laban sa China?Kung Ang Amerika at Russia binabangga Ng China Tayo pa Kaya? Tayo pa kayang puro kalawang Ang mga gamit pandigma? Isip isip din MGA kabayan.

    March 20, 2020 at 10:52 pm
  • kim Reply

    FEB10 PA PO ITO NA NEWS. CHECK PO NATIN ANG DATE BGO PO TYO MAG-REACT. CHECK DIN PO NATIN ANG RELIABILITY NG SITE. WLA DIN PONG NILALABAS NA RECENT INTERVIEWS FROM ANY SENATORS

    March 21, 2020 at 10:10 pm
  • Mike Reply

    Ahhhhh the article was published 2/9/2020, way before the lock down!! Read them people, read them!!

    March 23, 2020 at 1:23 am
    • Mike Reply

      I mean the list not the article! Sorry

      March 23, 2020 at 1:24 am
  • Troy Reply

    This news was dated February 10 pa. Please read before you react and don’t share to the public because it will cause more fear sonce hindi na ito ang current status ng bansa after the Enhanced Community Quarantine.

    March 30, 2020 at 8:02 pm
  • Ronie Reply

    Ang tanung kelan sila dumating sa ating bansa?

    March 31, 2020 at 6:35 pm
  • gadel amir Reply

    so, as early as feb10 the govt has already been warned but it did not heed the call or was too slow…

    April 10, 2020 at 10:44 am
  • Angel Reply

    I feel so bad about this. China is the main source of pandemic Covid 19. Sana naman huwag na silang papasukin sa bansa at ibalik na sila. Ang babaho nila, nakakadagdag lang sila ng populasyon sa MM.

    April 10, 2020 at 8:19 pm
  • Teofi Reply

    Feb. 10 pa iyan na balita, basahin ng msigi.nasaa title ibaba ang date.

    April 12, 2020 at 8:34 am

Leave a Reply

Loading...