Home ENTERTAINMENT IC Mendoza, na-scam ng P30k!

IC Mendoza, na-scam ng P30k!

Manila, Philippines- Sa kamamadali’y hindi na nakuhang itsek ni IC Mendoza kung totoo ngang tiyahin niya ang nangailanggan ng pera.

Idinulog ng dating TV host at ngayo’y entrepreneur sa NBI ang kaso ng pang-i-scam sa kanya ng umano’y nang-hack ng account ng kanyang tita.

Si IC ay apo ng yumaong Queen of Intrigues na si Inday Badiday at anak ng showbiz writer na si Dolly Ann Carvajal.

Ayon sa kuwento ni IC, nag-text daw ang kanyang tiyahin na nangailangan ng P30k.

Pinadalhan naman daw niya ito through his e-wallet.

Nasagad nga raw ang pondo ng kanyang e-wallet.

Nagduda na lang daw si IC nang humirit uli ang tiyahin, this time ng halagang P40k na pangakong babayaran sa mismong araw na ‘yon.

In doubt, IC spoke to his cousin na anak ng kanyang tiyahin only to find out na na-hack pala ang account nito.

On the pretext na ang tiyahin ang may hawak ng account ay nagpapadala raw ng mga mensahe ang hacker para makadilhensya.

Gayunpaman, IC pleaded daw with the hacker na kung maaari’y isoli nito kahit partial lang ng P30k na una niyang ipinadala.

Ituturing na lang daw ni IC na “TF” o talent fee ng hacker ang halagang napunta rito.

Sa halip na tumalima ay binlock pa raw siya nito.

Payo ng NBI, itsek muna kung sino talaga ang kumokontak sa mga bitima for help bago magpadala ng tulong pinansyal.

Iniimbestigahan na ng nasabing ahensya ang kaso ni IC.

Si IC ay dating co-host nina Cristy Fermin at Alex Gonzaga sa programang Juicy ng TV5.

Isa na nang matagumpay na negosyante ngayon si IC na dati ring nag-aartista noon. Ronnie Carrasco III

Previous articleMas marami pang probinsya masasapul ng tagtuyot ngayong buwan – PAGASA
Next articleClarin, Team Lakay palalakasin MMA