MANILA, Philippines – Nagpahayag ng lubos na pagkabahala ang mga miyembro ng International Criminal Court (ICC) sa desisyon ng Russia na isama ang isang prosecutor ng hukuman at ilang mga hukom sa kanilang wanted list, ayon sa ulat ng state-owned news agency TASS noong Biyernes.
Matatandaang isinama ang prosecutor ng ICC na si Karim Khan, sa nasabing wanted list ng Russian Interior Ministry.
Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo ng Assembly of States Parties sa ICC, ang mga nangangasiwa sa pamamahala ng hukuman, na “regrets these acts of intimidation and unacceptable attempts to undermine the mandate of the International Criminal Court to investigate, sanction and prevent the commission of the gravest international crimes.”
Noong Marso, naglabas ng warrant ang ICC laban kay Pangulong Vladimir Putin, na inaakusahan ng krimen ng digmaan sa ilegal na pagpapa-deport ng mga bata mula sa Ukraine. Sinabi na mayroong rasonable na batayan para paniwalaan na si Putin at ang Russian child rights commissioner na si Maria Lvova-Belova ay may indibidwal na pananagutan sa krimen. RNT