THE HAGUE, Netherlands- Sinabi ng International Criminal Court nitong Martes na apektado ito ng tinatawag na “anomalous activity” sa IT systems nito ay kasalukuyang tumutugon sa anito’y “cybersecurity incident.”
Hindi nagbigay ng detalye ang ICC ukol dito at sinabing prayoridad nito na matiyak na maipagpapatuloy nito ang trabaho nito.
“At the end of last week, the International Criminal Court’s services detected anomalous activity affecting its information systems,” pahayag ng korte.
“Immediate measures were adopted to respond to this cybersecurity incident and to mitigate its impact,” dagdag nito.
Hindi bago sa korte, na nakabase sa The Hague, ang international espionage.
Inihayag ng Netherlands na napigilan nito na makapasok sa korte ang isang Russian spy na nagpanggap na Brazilian intern noong nakaraang taon.
Posible umanong nakakuha ng access ang Russian, kinilalang si Sergey Vladimirovich Cherkasov, sa “highly valuable” intelligence sa imbestigasyon ng ICC sa war crimes sa Ukraine o naimpluwensyahan ang criminal proceedings, base sa Dutch authorities.
Tinatalupan ng ICC ang war crimes at crimes against humanity sa Ukraine, at nag-isyu ng arrest warrant para kay Russian President Vladimir Putin noong Marso para sa umano’y child deportations.
Bilang tugon, inilagay ng Russian authorities si ICC prosecutor Karim Khan sa “wanted” list. RNT/SA