Home NATIONWIDE Idinepositong barya sa coin deposit machines ng BSP umabot na sa P37.5M

Idinepositong barya sa coin deposit machines ng BSP umabot na sa P37.5M

MANILA, Phiippines – Umabot na sa P37.5 milyon ang halaga ng mga baryang naideposito sa coin deposit machines ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula nang ilunsad ito noong Hunyo.

Sa post sa official Facebook page, sinabi ng BSP na ang halaga ng mga naidepositong barya ay umabot na sa P37.5 milyon hanggang nitong Agosto 15, 2023.

Noong Hunyo, matatandaan na inilunsad ng BSP ang tatlong CoDMs at magdaragdag pa ng anim na machine upang hikayatin ang publiko na gamitin ang kanilang mga naitagong barya.

Tinatanggap ng naturang machine ang lahat ng uri ng BSP Coin Series at New Generation Currency Coin Series na inilunsad noong 2018.

Ang naidepositong barya ay maiki-credit sa e-wallet ng depositor o kaya naman ay shopping vouchers.

“The BSP is deploying coin deposit machines, or CoDMs, in partner retail establishments across the Greater Manila Area to encourage the public to deposit their idle coins in the CoDMs and to promote efficient coin recirculation in the country,” sinabi ng BSP.

“Through the CoDM project, the BSP aims to address the artificial coin shortage in certain areas of the country and help ensure that only fit and legal tender currency is readily available for public use,” dagdag pa.

Noong Enero 2021, sinabi ni dating BSP Governor Benjamin Diokno na target maging isang coinless society ang Pilipinas pagsapit ng 2025 at ang maliliit na transaksyon ay gagamitan na lamang ng quick response (QR) codes. RNT/JGC

Previous articleCatapang lilikha ng ‘barrio’ sa mga PDL, pamilya nito
Next articlePNP nangako ng kaayusan sa Makati-Taguig territorial row