Home METRO Ika-27 3S Center, pinasinayaan sa Valenzuela

Ika-27 3S Center, pinasinayaan sa Valenzuela

MANILA, Philippines – Pinasinayaan kamakailan ang ika-27 3S Center (Shared Service Center) Barangay Palasan, Valenzuela.

Ang dalawang palapag na pasilidad, na nasasakop ng 3,732 square meters, ay simbolo ng dedikasyon ng siyudad na painamin ang buhay ng mga residente.

Nasa nasabing sento ang tanggapan ng barangay, mega health center, daycare center, alternative learning system (ALS) center, e-library, public pharmacy, multi-purpose hall, tanod outpost, at opisina ng Sangguniang Kabataan.

Layon ng naturang one-stop na pasimplehin at pabilisin ang paghahandog ng serbisyo, mula healthcare at edukasyon, hanggang community engagement at youth development. Merly Iral

Previous articleKaso ng fireworks-related injuries, lumobo sa 115
Next articlePBBM sa kanyang New Year’s Eve message: Mga Filipino, magtulong-tulong sa magandang hinaharap ng bansa