Home NATIONWIDE Ika-32 taong anibersaryo pinagdiwang ng BJMP

Ika-32 taong anibersaryo pinagdiwang ng BJMP

256
0

MANILA, Philippines – IPINAGDIWANG ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penlogy (BJMP) ang ika-32nd na annivesary nito kahapon na ginanap sa PNP Multipurpose Center sa Camp Crame Quezon City.

Dinaluhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Atty Bejamin ‘Benhur’ Abalos Jr na siya naging guest of honor sa okasyon.

Dumalo rin sa nasabing okasyon ang iba’t-ibang mga Local Government Unit (LGU’s) na binigyan ng pagkilala ng BJMP dahil sa ambag na pagtulong sa ahensya na kinabibilangan ni Quezon City Mayor Josefina ‘Joy’ Belmonte.

Sa mensahe ni BJMP chief Director Ruel Rivera, tinalakay nito ang JAIL PLAN 2040 na inilunsad noong Abril 8, 2022 at apat ang tinukan ng ahensya ang Resource Management, Learning and Growth, Process Excellence at Community.

Sa budget para sa infrastructure projects noong 2022, inihayag ni Rivera na nakapagtayo sila ng sampung perimeter fences sa mga jails, 28 isolation facilities para sa labing-apat na rehiyon habang ngayon 2023 naman tatlong perimeter fences ang na construct, 1 Jail building dahilan upang bumaba ang congestion rate sa mga piitan mula 387% ay 358% na lamang ito.

Nakabili din ang BJMP ng 1,028 na Caliber 9mm, 14 units ng BJMP Transport Vehicle (BTVs), 1500 bullet proof vest, 1 utility vehicle para sa Malaybalay Reformatory Center sa Region X., 500 na pirasong non lethal pepper ball launchers, 2,399 na mga anti-riot equipment.

Ayon pa kay Rivera, sa kasalukuyan ay gumagana na ang Reformatory Center ng Malaybalay City District Jail, Argao District Jail sa Region VII at nasa 35 percent na ang konstrukyon ng Reformatory Center ng San Pablo City District Jail sa CALABARZON.

Dahil dito, mas mabibigyan ng kaukulang atensyon at pangangalaga ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) na may drug use disorders sa Luzon, Visayas at Minadanao na nakapaloob sa programang “KANLUNGAN SA PIITAN”.

Tiniyak din ni BJMP chief na ang 20,865 na personnel nito ay may dedikasyon sa kanilang mga trabaho at well discipline habang pinapatili ng ahnesya na Drug Free Agency ang lahat ng tanggapan at pasilidad nito sa buong bansa gayundin ang Drug Free Workplaces alinsunod sa Buhay Ingatan Droga’y Ayawan o BIDA na programa ng DILG.

Sinabi pa ni Rivera na nasa 67% na mga personnel at nasa 28% na mga PDL ang isnailalim sa Random Drug Testing kada tatlong buwan habang sa “Oplan Linis Piitan” nakapgsagawa ng 316,025 na greyhound operarion o paghahaluhog kontra illegel drugs o mga kontrabando ang naisagawa sa mga kulungan sa buong bansa.

Wala na rin mga overstaying na mga PDL sa mga jail at nasa 122,210 ang agad na pinalaya sa kulungan habang sa larangan naman ng edukasyon nasa 75,401 na mga inmates ang nakapagtapos ng elemetarya at High School sa ilalim na rin ng Alternative Learning System (ALS) na nakapaloob sa programang “Tagapangalaga ko, Guro.ko”.

Nagpapatuloy naman ang sari’-samu’t mga programa ng ahensya tulad na ‘Pangkalinangan at Pangkabutan” na nasa 59,074 na mgq PDL ang nabibigyan ng pagkakataon na makatulong sa kanilang pamilya, habang sa “Kalusugan at Damayan Komunidad Program” umabot sa 135,947 na mga drug dependent na PDL ang sumailalim sa Rehabilatasyon.

Suportado rin ng BJMP ang 8 point socioeconomic ni Panguling Ferdinand Marcos Jr. para sa Digitalizarion ng Goverment Service.

Samantala lubos naman na binati ni Abalos ang BJMP na kanilang mga nagawa at sinabi na patuloy ang buong suporta ng DILG sa anumang programa ng ahensya para mas mapabuti ang pangangalaga pa sa mga PDL gayundin sa BJMP personnel.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang kalihim sa kakayanan ni Rivera na magtuloy-tuloy ang mga programa ng BJMP sa loob at labas ng mga piitan sa ilalim ba rin ng programang JAIL PLAN 204O. Jan Sinocruz

Previous articleNagkaubusan ng panty kay Bagyong ‘Dodong’
Next article2 parak na nangharas ng media sa Leyte tanggal sa pwesto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here