Home HOME BANNER STORY Ika-5 suspect-witness sa Degamo slay, bumaligtad na rin!

Ika-5 suspect-witness sa Degamo slay, bumaligtad na rin!

599
0

MANILA, Philippines – Isa na namang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ang bumaligtad, o nagbawi ng kanyang testimonya na nag-uugnay kay suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa krimen.

Sa panayam, sinabi ni Danny Villanueva, legal counsel, na binawi na rin ni Joven Javier ang paratang nito laban kay Teves na siyang mastermind o nag-utos sa pagpatay kay Degamo.

“Ang sabi niya kasi, ‘yung nauna sa pulis na binabanggit doon na siya ay kasama sa mga unang ni-recruit, na kasama siya noong December 22, 2022, na nag-attempt sana na-ambushin si Governor Degamo at nung mga panahon na ‘yun ay doon sila nag stay sa isang safe house malapit sa ancestral house ng mga Teves,” ani Villanueva.

“‘Yun po ang nag i-implicate kay Congressman Teves doon sa una niyang pahayag,” dagdag pa niya.

Matatandaan na iniuugnay si Teves sa pagpatay kay Degamo noong Marso 4 na sinundan pa ng pagsasabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na si Teves ang “main mastermind” sa krimen.

Pinabulaanan naman ng kongresista ang alegasyon laban sa kanya.

Ayon kay Villanueva, idinagdag ng NBI ang pangalan ng iba pang mga suspek sa affidavit ni Javier gayong alyas lang naman ng mga ito ang nakalagay.

Aniya, pumayag si Javier na makipagtulungan dahil hinimok siya ng isang NBI agent.

Sinasabi ni Villanueva na si Javier ay tinorture rin ng mga awtoridad sa Negros Oriental at Manila.

Wala pang tugon ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at National Bureau of Investigation kaugnay nito.

Sinabi naman ni Villanueva na maghahain din sila ng petition for habeas corpus para pakawalan si Javier ng Manila Regional Trial Court. RNT/JGC

Previous articleCagayan naghahanda sa epekto ng Super Typhoon Mawar
Next articleNational government, nakaalalay sa mga LGU sa bagyong Mawar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here