Home HOME BANNER STORY Ika-51 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sinalubong ng kilos-protesta

Ika-51 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sinalubong ng kilos-protesta

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng malawakang rally ang mga militanteng grupo na tumutuligsa pa rin hanggang sa kasalukuyan sa rehimeng Marcos sa pagdiriwang ng ika-51st anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial law ngayong Setyembre 21.

Ang nasabing aktibidad ay hindi lamang isinagawa sa Maynila kundi maging sa ibat-ibang probinsya kung saan nakiisa ang ibat-ibang grupo upang ihayag ang kanilang mga issues at demand.

Sa Maynila, nagtipon-tipon ang grupo ng Kabataan Party-List, BAYAN, TAnggol Magsasaka,Karapatan Southern Tagalog at Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan sa Plaza Ferguson sa Roxas Boulevard\Service Road, Ermita.

Mayroon ding mga militanteng grupo na nagsagawa ng maikling programa sa Mendiola.

Sigaw ng mga rallyista, ibasura ang anti-terror act, isabuhay ang sinimulang pakikibaka para sa karapatan, lupa at hustisya.

Hiling din ng mga raliyista itigil na ang mga pagpatay, ibasura ang EDCA at itigil na ang state terrorism.

“Never Again Forget…. Martial Law noon Terror law Ngayon”, ilan sa mga nakasalulat sa mga bitbit na plakards ng mga rallyista.

Sinasabi rin ng mga militante na ang AFP-PNP ay mandurukot ng tao habang ang Marcos-Duterte ay mandurukot ng pondo.

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng Martla Law, ilang grupo din ang nagsagawa ng rally sa harap ng tanggap ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros,Manila kabilang ang Angat Pampanga, Justice Truth and Transparence, Carmelite Missionaries Sister at iba pa kung saan nagsagawa ng programa at prayer rally na pinangunahan ni Fr. Robert Reyes.

Hiling ng grupo na i-abolish ang Smartmatic para sa halalan, repormahin ang sistema ng eleksyon at ibasura ang Smartmatic.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director P/Brig. Gen. Andre Dizon, naging mahigpit ang pagbabantay ng mga kapulisan sa mga venue ng aktibidad kaya naman naging maayos ay payapa na natapos ang mga programa ng mga rallyista. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePNR binisita ng mga eksperto; byaheng Calamba-San Pablo balik na
Next articleDSWD tuloy ang suporta sa Malasakit Centers