A building is ablaze following rocket attacks from the Gaza Strip, in Tel Aviv, Israel October 7, 2023. REUTERS/Itai Ron TPX IMAGES OF THE DAY
MANILA, Philippines – Kinumprima ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nitong Huwebes ang isa pang Pilipinong nasawi sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Sa ngayon, umabot na sa apat ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nasawi sa nasabing giyera.
Hindi naman na pinangalanan ng opisyal ang nasabing biktima.
“Out of respect for the wishes of the family, we shall be withholding details on the identity of the victim,” ani Manalo sa post nito sa X.
Sa kabila nito, siniguro ng gobyerno ang tulong para sa pamilyang naiwan.
“But we have assured the family of the Government’s full support and assistance,” dagdag pa ni Manalo. RNT