Home METRO Ikalawang Bugatti sports car na pinaghahanap ng BOC, natagpuan na

Ikalawang Bugatti sports car na pinaghahanap ng BOC, natagpuan na

MANILA, Philippines – NASA kustodiya na ng Bureau of Customs (BOC) ang pangalawang Bugatti sports car na kamakailan ay nakitang gumagala sa mga lansangan ng Metro Manila at Cavite.

Ang kulay asul na Bugatti Chiron sports car na may plakang NIM 5448 ay dinala sa kustodiya ng BOC makaraang matagpuan ito sa isang posh village sa Muntinlupa City nitong Martes ng hapon, Pebrero 20.

Magsasagawa ng kaukulang imbestigasyon ang BOC hinggil sa pagkakarekober ng nasabing hinihinalang smuggled luxury car gayundin ang isa pang Bugatti Chiron sports car na kulay pula na may plakang NIM 5450 na unang isinuko sa nasabing ahensiya ng gobyerno.

Hihilingin ng BOC sa mga nagmamay-ari ng mga sasakyan na magpakita ng wastong mga dokumento sa pag-import. Sakaling hindi nila ito magagawa, maaari silang kasuhan ng posibleng paglabag sa Section 1400 kaugnay ng Section 1113 ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ayon sa ilang mga magazine ng kotse, ang Chiron ay maaaring maibenta ng hindi bababa sa US$3 milyon, nang walang binabayarang tungkulin sa customs.

Kasalukuyang hinihintay pa ang opisyal na ulat mula sa pamunuan ng BOC hinggil sa mga narekober na mga hinihinalang ismagel na mga luxury sports car. JAY Reyes

Previous articleDating pastor mula Davao na bagong laya, natagpuang patay
Next articlePagbabalik sa lumang school calendar, suportado sa Senado