Home HOME BANNER STORY Ikalawang oil price hike ngayong 2024 aarangkada sa Martes

Ikalawang oil price hike ngayong 2024 aarangkada sa Martes

MANILA, Philippines- Muling magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P0.30 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel at P0.90 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price hike din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipapatupad alas-12:01 mamayang hatinggabi habang ang kompanyang Cleanfuel ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Ito na ang ikalawang sunod na oil price hike ngayong taon 2024.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng dagdag presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene. JAY Reyes

Previous articleNoKor naglunsad ng ‘intermediate-range ballistic missile’ – SoKor
Next articleP593.8M SuperLotto 6/49 jackpot mailap