Home NATIONWIDE Ikalimang Media Summit isasagawa sa Northern Luzon

Ikalimang Media Summit isasagawa sa Northern Luzon

MANILA, Philippines – Magbibigay ng dagdag-kaalaman sa mga mamamahayag ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Northern Luzon kaugnay sa nangyayaring karahasan sa bansa.

Sa Disyembre 11 tutulak ang PTFoMS sa Baguio City para sa ikalimang Media Summit.

Nilalayon ng summit na bigyan ng pansin ang karahasan laban sa mga mamamahayag sa bansa.

Ayon kay Undersecretary Paul Gutierrez, may mga inimbitahan na resource speakers sa naturang summit para magbigay ng kaalaman sa tamang pagbabalita, komentaryo, pananaliksik at paglalathala upang maiwasan ang fake news o karahasan.

Una rito, nagsagawa na rin ng Media literacy ang Task Force sa Metro Manila, Tagaytay City, Cebu City at Davao City.

Imbitado sa naturang summit ang mga nasa Print and Broadcast Media Pati na rin ang mga Information Officer ng mga tanggapan ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article‘First public appearance’ ni Daniel, nilait!
Next articleTape, Inc., Eat bulaga pa rin ang titulong ginagamit!