Home HOME BANNER STORY Ikatlong Pinoy na nasawi sa Israel kinukumpirma pa – PH embassy

Ikatlong Pinoy na nasawi sa Israel kinukumpirma pa – PH embassy

MANILA, Philippines – Kinukumpirma pa ng Philippine Embassy sa Israel ang posibilidad ng ikatlong nasawing Filipino dahil sa pag-atake ng Hamas sa Israel.

Ayon kay Deputy Chief of Mission Anthony Mandap nitong Miyerkules, Oktubre 11, sinusubukan pang kumpirmahin ito ng mga awtoridad sa pamamagitan ng DNA testing.

“There are two confirmed [dead] and one for confirmation,” ani Mandap.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Vice Consul Patricia Narajos na nasa 26 Filipino ang nasagip sa pag-atake habang tatlo pa rin ang nawawala.

“There are still three missing and 26 having rescued so far. There is one injured person, recovering po siya ngayon [who is now recovering] at the hospital. He’s doing well and underwent surgery and he’s fine,” pagbabahagi ni Narajos.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkasawi ng dalawang Filipino dahil sa armed conflict sa pagitan ng Israeli forces at Hamas militants.

“The Philippines condemns the killing of two Filipino nationals and all other acts of terrorism and violence as a result of Hamas actions against Israel,” pahayag ni DFA Secretary Enrique Manalo.

Ayon sa embahada, ang dalawang nasawi ay napatay sa Kibbutz sa unang araw ng pag-atake.

Humiling ang pamilya ng mga biktima na huwag nang pangalanan ang mga ito.

Sinabi ni Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. na personal na makikipag-usap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng mga biktima para makiramay.

Kasabay nito ay kinondena ng Pangulo ang karahasan sa nasabing bansa at nangakong tutulong sa mga apektadong Filipino. RNT/JGC

Previous articlePBBM pinasalamatan ng Isabela farmers sa suporta, mataas na kita
Next articleCorruption allegations pinabulaanan ni Bautista, maghahain ng reklamo!