Home ENTERTAINMENT Ikigai movie, sinagasaan ang mga pulitiko, nag-viral!

Ikigai movie, sinagasaan ang mga pulitiko, nag-viral!

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon ang naganap na red carpet premier ng pelikulang Ikigai.

Tumagal ng 2 hours ang movie kung saan bida ang mga indie actors tulad nina James Lomahan, Giovanni Baldisseri, Monika Truong, Aya Sarmiento and Roland Sanchez, na siya ring nagdirek ng movie.

Sobrang tapang ng pelikula na tumalakay sa diumano’y nagaganap na agri-smuggling sa bansa.

Sa pelikula, pinamunuan ng mga opisyales ng Department of Agriculture (DAR) ang pag-smuggle ng mga agri products sa probinsiya sa Benguet. May involve pa na ilang corrupt na senador at congressmen na nadamay sa smuggling.

Kahit na ang bidang si direk Roland at ang lead villain na si Giovanni ay aminadong matapang ang movie at marami ang masasagasaan.

Usap-usapan na nga ngayon sa socmed ang movie na sinasabing baka mahirapang makakuha ng playdate sa theatrical release dahil sa mga politiko at ilang government officials na puwedeng masagasaan.

“Bakit tayo matatakot kung nagsasabi naman ng totoo ang movie namin. Napapanood naman natin sa mga congressional at senate hearing ang nangyayaring agri-smuggling sa bansa at isinapelikula lang naman namin,” sabi ni Giovanni.

Si Giovanni na rin ang nagsilbing assistant director ng Ikigai.

Ang Ikigai ay isang Japanese word na ang ibig sabihin ay passion and life.

“Ang hirap na gnawa akong assistant director dahil it’s freezing cold sa Benguet. Three days lang ang na-shoot sa Benguet and ang two days na shoot, sa Tagaytay.

“Tulong-tulong kami sa movie and mahirap talaga lalo’t muntik na akong mag-quit.

“Of may chance na mabibigyan pa kami ng mas malaking budget, mas maganda,” sabi pa ni Giovanni.

Maganda ang istorya ng pelikula kahit na umulan ng bad words at may ilang mga malalaking pangalan sa politocs at media ang nasagasaan. Magaling ang pagkakasulat ni Roland ng twist and turn ng mga eksena.

“Ang movie, e, hndi para maka-entertain kundi para magpalaganap ng aral,” sabi ni direk RS na isa ring NBI agent in real life.

Ang Ikigai ay R-16 at showing na soon sa mga sinehan. JP Ignacio

Previous articleP3.4M shabu nasamsam sa kelot
Next articleKaso ng child labor, lumolobo – ILO