Home HOME BANNER STORY Ilan sa mga arestadong suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ‘willing...

Ilan sa mga arestadong suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero, ‘willing to talk’ – Acorda

325
0

MANILA, Philippines – Handang magbigay ng impormasyon ang ilan sa mga naarestong suspek na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

“There are some indications ‘yung iba willing na magsalita, but ayaw lang natin pangunahan,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda.

“Hintayin na lang natin ang resulta, and anything that they will say is, of course, it needs the assistance of a lawyer para ito ay matatanggap sa korte,” dagdag pa niya.

Ang mga suspek na sina Julie Patidongan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla, ay inaresto nitong Biyernes sa Paranaque City makaraang matunton ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang lokasyon ng mga ito sa pamamagitan ng informant at matapos ang dalawang buwang surveillance operation.

Umaasa naman si Acorda na ang mga naarestong suspek ay maglalantad kung sino ang mastermind sa likod ng pagdukot sa mga sabungero.

“Well, as of now, ‘yung mastermind tinitingnan natin and the pinaka-effective that could connect to the mastermind are the suspects mismo. So I am hoping sila magsasalita,” anang opisyal.

“May mga insinuations but nothing definite,” dagdag pa nia.

Naghain ng pormal na reklamo laban sa anim na security officers ang pamilya ng mga nawawalang sabungero na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, and brothers James Baccay at Marlon Baccay.

Inihain noong Marso 18, 2022 ang six counts ng kidnapping at serious illegal detention laban sa anim na suspek.

Naghain din ng hiwalay na kaso ang CIDG para sa kidnapping at serious illegal detention na may kaugnayan sa pagkawala ng online sabong master agent na si Ricardo Lasco, na napaulat na dinukot noong Agosto 30, 2021 sa San Pablo, Laguna.

Tatlong pulis naman ang itinuturong sangkot sa pagdukot kay Lasco na nauna nang sumuko.

Maliban sa mga naarestong suspek, nanawagan naman si Acorda sa iba pang may mahalagang impormasyon na makipagtulungan na sa mga awtoridad.

“Those who have vital information that will help us puwede po lumabas and lumantad and the police force is giving the assurance tayo ay magbibigay ng karapat dapat na protection para sa kanila para maging safe naman sila if ever they will come out in the open,” sinabi ng PNP chief. RNT/JGC

Previous articleCrime incidence bumaba ng 7.84% mula Enero ‘gang Setyembre – PNP
Next article1 sa 6 rebeldeng napatay sa Bohol clash, IP leader – military

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here