Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng bansa uulanin sa shear line, Amihan

Ilang bahagi ng bansa uulanin sa shear line, Amihan

MANILA, Philippines- Inaasahan ang kalat na pag-ulan sa eastern section ng Visayas dahil sa shear line kung saan magpapaulan din ang northeast monsoon sa Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Eastern Visayas at Caraga na sasabayan ng pag-ulan dahil sa shear line.

Nagbabadya sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Aklan, at Capiz ang ulan dahil sa northeast monsoon.

Babalutin naman ang Cordillera Administrative Region maulap na kalangitan na sasabayan ng mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng  Luzon “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa northeast monsoon.

Sa natitirang bahagi ng bansa, iiral ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa western at eastern sections ng Southern Luzon at Visayas at eastern section ng Mindanao ay “strong” patungong northeastward na may rough coastal waters.

Makararanas ang natitirang bahagi ng Luzon at Visayas ng “moderate to strong” wind speed na kumikilos sa direksyong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Samantala, sa natitirang bahagi ng Mindanao, magkakaroon ng “moderate to strong” wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Sumikat ang araw ng alas-6:25 ng umaga at lulubog pagsapit ng alas-5:52 ng hapon. RNT/SA

Previous articleLTFRB VS TNVS SA TAWARAN SA PASAHE
Next articleKonstruksyon ng libo-libong klasrum noong 2023 ibinida ni VP Sara