Home METRO Ilang bahagi ng Iloilo, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Ilang bahagi ng Iloilo, Surigao del Sur niyanig ng lindol

MANILA, Philippines- Niyanig ng lindol ilang parte ng of Iloilo at Surigao del Sur nitong mates ng umaga, ayon sa state seismology bureau.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa katubigan sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ng alas-6:35 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang tectonic earthquake ay may depth of focus na 42 kilometers (km) at aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur noong Disyembre 2023.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks.

Samantala, naitala ang magnitude 4 na lindol sa silangan ng Maasin, Iloilo ng alas-9:50 ng umaga.

Mayroon itong depth of focus na 24 km.

Naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Tapaz, Capiz, base sa Phivolcs.

Tulad ng unang lindol, walang inaasahang pinsala o aftershocks, dagdag ng Phivolcs. RNT/SA