Home LAGAY NG PANAHON Ilang bahagi ng Luzon uulanin pa rin sa Amihan, shear line

Ilang bahagi ng Luzon uulanin pa rin sa Amihan, shear line

MANILA, Philippines – Inaasahan pa rin ang mga pag-ulan ngayong araw, Oktubre 22 sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa Northeast Monsoon (Amihan) at shear line.

Sa 24-hour forecast na inilabas ng PAGASA, ang Metro Manila, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Camarines Norte, Central Luzon, at Calabarzon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.

Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley naman ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm.

Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga serye ng malalakas na pag-ulan. RNT/JGC

Previous articleRuffa, kuntodo alahas habang nagluluto, sinita ng netizen!
Next articleLebanon inilagay na sa Alert Level 3 ng DFA