Home METRO Ilang barangay sa Abra, nalubog sa lampas-taong baha

Ilang barangay sa Abra, nalubog sa lampas-taong baha

MANILA, Philippines – Nanawagan ng agarang tulong at responde ang lokal na pamahalaan makaraang salantain ng lampas-taong baha ang ilang barangay sa Abra.

Sa ulat, nalubog sa matinding baha ang Barangay Sta. Rosa at Barangay Cabuloan sa Bangued, ng nasabing probinsya, dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na nagpaapaw sa mga ilog at creek.

Sa Emergency Response Meeting ng CDRRMC nitong Miyerkules, Hulyo 26, sinabi ni PDRRMO Arnel Valdez, na humiling na sila ng karagdagan pang Water Search and Rescue Teams upang asistehan ang mga apektadong pamilya at indibidwal sa mga binahang lugar.

Ang ilan umano sa mga residente ay nasa itaas na ng kanilang mga bubong dahil nalubog na sa tubig-baha ang malaking bahagi ng kanilang mga tirahan.

Ang malalakas na pag-ulan ay dala pa rin ng pananalasa ng bagyong Egay. RNT/JGC

Previous articleMalaysia mag-aalok ng training sa Halal industry, Islamic banking – PBBM
Next articleAlfred, mag-a-apat na ang anak, walang planong magpa-vasectomy!