Home METRO Ilang barangay sa Zamboanga lubog sa baha

Ilang barangay sa Zamboanga lubog sa baha

339
0

MANILA, Philippines – Lubog sa baha ang ilang barangay sa Zamboanga City dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o habagat.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng City Social Welfare and Development Office ang eksaktong bilang ng mga apektadong residente.

Batay sa inisyal na ulat ng CSWD, nasa 250 pamilya ang nabigyan na nila ng relief packs sa Barangay Tumaga, 50 pamilya naman sa Barangay Cabatangan, 500 pamilya mula sa Barangay San Jose Gusu at 50 pamilya sa Barangay Putik.

Maging ang bahagi ng Zamboanga International Airport ay binaha rin dahil sa lakas ng pag-ulan.

Sa kabila nito, nananatili namang tuloy ang biyahe ng mga eroplano sa naturang paliparan.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa pagbaha. RNT/JGC

Previous article8 pulis sa mistaken identity case mahaharap sa kasong administratibo
Next articleOCEANA sa reclamation activities sa Manila Bay, ‘wag lang suspendihin, itigil na!’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here