MANILA, Philippines – Bunsod ng inaasahang pananalasa ng super typhoon Mawar, pansamantala munang sinuspinde ang byahe ng ferries sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ang biyahe ng Seacat One ng Grand Ferries mula Cebu City patungong Calbayog ay suspendido mula alas-2 ng hapon ng Sabado, Mayo 27.
Gayundin ang biyahe mula Calbayog City patungong Cebu City kung saan suspendido na ito mula alas-8 ng gabi ng Linggo, Mayo 28.
Ito ay bahagi na rin ng preventive maintenance na gagawin sa nasabing barko at preparasyon sa paparating na Super Typhoon Mawar ayon sa shipping company.
Pinapayuhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa concerned shipping lines para sa karagdagang detalye. Jocelyn Tabangcura-Domenden