Home NATIONWIDE Ilang embahada nakiramay sa Maco landslide victims

Ilang embahada nakiramay sa Maco landslide victims

MANILA, Philippines- Inihayag ng United Arab Emirates (UAE) ang pakikidalamhati sa mga Pilipino kasunod ng landslide sa bayan ng Maco sa Davao de Oro noong Pebrero 6.

“In a statement, the Ministry of Foreign Affairs (MoFA) expressed its sincere condolences to the government and people of the Philippines, and to the families of the victims, as well as its wishes for a speedy recovery for all the injured,” saad sa post ng foreign ministry sa UAE nitong Sabado.

Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Republic of Turkiye sa landslide victims.

“We extend our heartfelt condolences to the relatives of those who lost their lives and to the friendly People and Government of the Philippines, wish speedy recovery to those injured, and hope that the missing will be safely found soon,” anito.

Inihayag din ng Turkey ang kahandaang tulungan ang mga Pilipino sa abot ng makakaya nito.

Samantala, sinabi ng United States government na magbibigay ito ng halos P70 milyong humanitarian aid.

Ibibigay ang pondo sa mga komunidad na apektado ng climate-related crises sa Mindanao.

Nitong Sabado, iniulat ng Maco local government na siyam na lamang ang bilang ng mga nawawalang indibidwal dahil sa landslide.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagkakarekober ng mga team sa mga bangkay mula sa landslide-hit mining village.

Itinutulak naman ng environment at human rights groups ang malayang imbestigasyon sa  operasyon na isang large-scale mining facility sa Maco.

Hinala nila, ang operasyon ang nagdulot ng pagbigay ng lupa, na nauwi sa trahedya. RNT/SA

Previous articlePremyo sa Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 ‘di napanalunan – PCSO
Next articleMga pribadong lupang kinukuha ng pamahalaan dapat mabayaran agad – SC