Home NATIONWIDE Ilang gov’t hospitals inihahanda ng NKTI bilang renal centers

Ilang gov’t hospitals inihahanda ng NKTI bilang renal centers

MANILA, Philippines – Inihahanda na ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang ilang government hospitals upang maging renal centers at makapag-serbisyo sa mas marami pang Filipino na dumaranas ng kidney disease, ayon kay NKTI chief transplant coordinator Peter Paul Plegaria nitong Sabado, Pebrero 24.

Ani Plegaria, ilang rehiyon sa bansa ang wala pa ring maayos na pasilidad na kayang magsagawa ng kidney transplants.

“Mayroon pa rin po kasi tayong mga regional centers [in some] regions po sa Philippines na wala pa pong transplant centers. So like in Cagayan Valley, Mimaropa, Zamboanga Peninsula, we have the Soccsksargen, Caraga and we have MOH-BARMM (Ministry of Health in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao). So wala pang mga transplant centers,” sinabi ni Plegaria sa news forum sa Quezon City.

“So the NKTI po is capacitating other DOH [Department of Health] hospitals po to be a renal center din po so that maging transplant center din po sila and makapag-cater na rin po sila ng transplant,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan ay mayroong 38 transplant centers ang bansa, 11 dito ang government-owned at 27 ang privately owned.

Sinabi ni Plegaria na ang chronic kidney disease ang isa sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa, kung saan nasa 2.3 milyong Filipino ang dumaranas nito.

Tinatayang isang Filipino ang nagkakaroon ng chronic kidney failure kada oras, o 120 Filipino sa bawat isang milyong populasyon kada taon. RNT/JGC

Previous articleDe Lima dumalo sa thanksgiving mass ng ika-7 taon ng pagkakaaresto
Next article‘Ka Luring’ isinusulong maging Santo