Home HOME BANNER STORY Ilang gov’t officials kasuhan sa sirit-presyo ng sibuyas – NBI

Ilang gov’t officials kasuhan sa sirit-presyo ng sibuyas – NBI

334
0

MANILA, Philippines- Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang paghahain ng reklamo laban sa ilang indibidwal,kabilang ang government officials kaugnay sa umano’y manipulasyon ng presyo ng sibuyas noong 2022.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa media briefing na inirekomenda ng NBI, matapos ang kanilang imbestigasyon, ang paghahain ng reklamo laban sa anim na indibidwal para sa hoarding at profiteering.

Ayon kay Justice Undersecretary Geronimo Sy, pinuno ng investigation task group on agri-smuggling, ang posibleng complaint ay nagmula sa pribadong kooperatiba na nagbebenta ng sibuyas sa halagang mahigit P500 kada kilo noong Disyembre 2022.

Ito umano ang basehan para sa hoarding at profiteering.

Base pa kay Sy, sinasabing wala nang stock o available ngunit nang kinontrata sa P500 ay biglang nagkaroon ng stocks.

“At profiteering because ang farm gate prices ng onion, ‘yung cost of production, is from P8 to P15 lang. Pero pag benta P537… So ‘yun ‘yung twin crimes na tinatawag sa hoarding and profiteering,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Sy na tatlong bid ang isinumite ngunit ang dalawa ay gawa-gawa lamang umano.

Paliwanag ni Sy, dapat nasa tatlo ang bidders ngunit iisa lang ang gumawa ng bid at nameke sila ng dokumento.

“Malinaw na malinaw na ‘yung dalawang supposedly other bidders hindi alam na sumama sila sa bid… and this was allowed by the FTI. Not following the basic due diligence for involving such a huge sum of money. About P134 million ang involved,” ani Sy.

Sinabi rin ni Sy na batay sa kanilang pagsusuri, nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng supplier at government officials.

Sinabi ng DOJ na ilalabas nito ang mga pangalan ng mga indibidwal na sangkot kapag natapos na nitong suriin ang rekomendasyon.

Noong nakaraang taon, nasa P500 hanggang P720 ang presyo kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan.

Sinabi rin ni Remulla na tinitingnan din ng DOJ na maghain ng reklamo para sa pananabotahe sa ekonomiya laban sa nasabing mga indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePresyo ng langis sa 2024 pa bababa – DOE
Next articlePampanga malapit nang maging ‘Christmas Capital’ ng Pinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here