Home NATIONWIDE Ilang grupo nagprotesta vs Cha-cha

Ilang grupo nagprotesta vs Cha-cha

Nagprotesta ang mga militanteng grupo sa Batasan Complex kasabay ng muling pag-arangkada ng sesyon ng Kamara ngayong Lunes, Enero22, 2023. Nilalayon ng kilos-protesta na kondenahin ang Charter change. Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nagtipon ang ilang grupo nitong Lunes sa South Gate ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City upang tutulan ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Nagbabala si ACT Teachers party-list Representative France Castro, na dumalo sa kilos-protesta, na maaaring baguhin lahat ng probisyon ng Konstitusyon at hindi lamang ang economic provisions tulad ng sinasabi ng mga nagsusulong ng Charter change (Cha-cha).

“Pag ito ay binuksan, ang Cha-cha o charter change, natitiyak po ba natin na talagang economic provision lang? Ito ay hindi,” giit ni Castro.

“Napakadelikado na magkaroon ng Charter change sa panahong ito dahil nakikita natin ‘yung nga iba’t ibang interes ng mga pulitiko at mga nasa puwesto,” dagdag niya.

Inihayag ni Bayan secretary general Mong Palatino na paiigtingin nila ang aksyon sa mga komunidad upang ipaliwanag ang mga panganib ng Cha-cha.

Nanawagan ang mga grupo sa mga opisyal ng pamahalaan na itigil ang pagsusulong ng Charter change at sa halip ay tutukan ang pagresolba sa mga problema sa mababang sahod, kakulangan ng suporta para sa agricultural sector, PUV Modernization Program, at iba pang mga isyu.

Kasabay ang kilos-protesta ng muling pag-arangkada ng Congress session ngayong Lunes ng hapon.

Nagbabala si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio nitong weekend na maaaring mauwi ang pagtutulak ng Charter change sa pamamagitan ng umiiral na people’s initiative (PI) sa constitutional crisis.

“Because if you remove the Senate, you disregard the check and balance in the present Constitution, and that’s a crisis, a constitutional crisis. Why did you set aside the Senate? You disregarded it when there is supposed to be a check and balance,” aniya. RNT/SA

Previous articleBarbie, dinepensahan!
Next articlePangunahing suspek sa pagkawala ni Camilon pinalaya