Home METRO Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Marso 25-26

Ilang kalsada sa Maynila sarado sa Marso 25-26

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada para sa gaganaping FIFA World Cup 2026 Qualifiers ng Philippine Men’s National Football Team laban sa Iraq.

Batay sa abiso ng lokal na pamahalaang lungsod sa kanilang official social media page, ang kahabaan ng Adriatico Street mula Quirino Avenue hanggang P. Ocampo Street ay isasara sa Lunes, Marso 25 at Martes, Marso 26.

Pinayuhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), sa pamumuno ni Director Dennis Viaje, ang mga motoristang papunta sa hilaga (northbound) na dumaan sa sumusunod na ruta bilang alternatibo: mula sa P. Ocampo Street ay kumanan sa Mabini Street, kumanan sa Quirino Avenue, kumaliwa sa Leveriza Street patungo sa inyong destinasyon.

Samantala, pinayuhan ang mga motorista papunta sa timog (southbound) na dumaan sa sumusunod na ruta: mula sa Adriatico Street ay kumanan sa Quirino Avenue, kumaliwa sa Mabini Street patungo sa inyong destinasyon.

Nabatid na ang Philippine men’s national football team ay may dalawang laro laban sa Iraq ngayong buwan bilang bahagi ng qualifiers para sa susunod na World Cup. Ang unang laban ay isasagawa ngayong Marso 21 habang ang pangalawa ay isang home game sa Marso 26 sa Rizal Memorial Stadium. JAY Reyes

Previous articleVP Sara nasa Cambodia para sa SEAMEO duty
Next articleGwardiyang bebot sinabuyan ng asido sa mukha!