MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na pansamantalang sarado ang ilang mga kalsada sa National Capital Region ngayong weekend dahil sa road reblocking, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Pebrero 10.
Sa abiso, sinabi ng MMDA na ang reblocking at repair ay isasagawa sa mga sumusunod na kalsada, nagsimula alas-11 ng gabi Biyernes ng gabi at tatagal hanggang sa Lunes, Pebrero 13:
– Cloverleaf (Chainage 000-Chainage 234) going to the North Luzon Expressway (NLEX)
– Along Lanuza Avenue, corner C-5 Road, Barangay Ugong, in front of Casa Verde Townhomes Gate, Pasig City
“The affected roads will be fully passable by 5 a.m. on Monday, February 13. Motorists are advised to take alternate routes,” ayon sa MMDA. RNT/JGC