
MANILA, Philippines- Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa pagsasara ng ilang kalsada sa Quezon City para sa repairs.
Sa Facebook, inihayag ng MMDA na magsasagawa ng roto milling at asphalt overlaying activities sa mga sumusunod na daan:
- C-5 E. Rodriguez Jr. Ave. Northbound fronting Eastwood Police Station 12 to corner Mercury Ave. (Magsisimula ang repairs ngayong Miyerkules, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa Mayo 22)
- C-5 E. Rodriguez Jr. Ave. Southbound fronting Hotel 878 to fronting Vignet Centre/ SSS. (Magsisimula ang repairs ngayong Miyerkules, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa Mayo 22)
- Maginhawa St., Malingap St. to Matiwasay St. (1st – 4th lane) (Magsisimula ang repairs sa Biyernes, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa Mayo 26)
- Ortigas Granada Road between Santolan Road and Valencia Creek (Magsisimula ang repairs sa Biyernes, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa Mayo 26). RNT/SA