![road-closed-1](https://remate.ph/wp-content/uploads/2023/06/road-closed-1-640x360.jpg)
MANILA, Philippines- Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Manila nitong Linggo ang pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada kaugnay ng paggunita ng ika-453 Araw ng Maynila ngayong Lunes, Hunyo 24.
Sa abiso mula sa Manila Traffic & Parking Bureau, kasado ang 453rd Araw ng Maynila Civil & Military Parade.
Mula hatinggabi ng Hunyo 24, sarado sa mga motorista ang mga sumusunod na kalsada:
Onyx Street (mula Pedro Gil hanggang Zobel Roxas Street)
Zobel Roxas Street (mula Pablo Ocampo hanggang Pasig Line Street)
Florentino Torres Street (kilala bilang Dagonoy Street)