Home METRO Ilang LGU handang tumulong sa Turkey quake victims – OCD

Ilang LGU handang tumulong sa Turkey quake victims – OCD

93
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng interes ang ilang local government units (LGUs) na magbigay ng tulong sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey.

Ito ang sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV sa isang pulong balitaan, kung saan ang sinasabing tulong ay naka-ayon pa sa pag-apruba ng Office of the President at Turkish government.

“Yung City of Davao and Pasig, it’s a 14-man team. [Urban search and rescue] ito. It was organized by [disaster risk reduction and management] officers. Sa Pasig, ganun din,” ani Alejandro.

Nagpahayag din ng pagnanais na tumulong sa Turkey ang Bangsamoro government ngunit wala pang impormasyon patungkol dito.

Nitong Biyernes, Pebrero 10, nagsimula na sa kanilang rescue operation sa Turkey ang rescue team na ipinadala ng bansa at nakapagtayo na rin ng base camp sa lugar na napuruhan ng lindol.

Ang contingent na ito ay binubuo ng mga tauhan mula sa Philippine Army, Air Force, the Metropolitan Manila Development Authority, Subic Bay Metropolitan Authority, Department of Health, at OCD. RNT/JGC

Previous articleDina, nagpaliwanag sa katarayan!
Next articleNursing attendants bilang “substitute” nurse, ikinabahala