Home METRO Ilang lugar sa Northern at Central Luzon binayo na ng malakas na...

Ilang lugar sa Northern at Central Luzon binayo na ng malakas na ulan

222
0

(Image representation only)

MANILA, Philippines – Kahit na wala pang direktang epekto ang Super Typhoon Mawar sa Pilipinas ay nakaranas na ng mga pag-ulan at pagbaha ang ilang bahagi ng bansa partikular sa Ilocos Norte.

Napag-alaman na nag-zero visibility pa ang Laoag bunsod ng sobrang lakas na ulan habang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang naramdaman sa ilang bahagi ng Tuguegarao City sa Cagayan.

Advertisement

Nagkaroon na ng pagguho ng isang bahagi ng bundok sa Hungduan sa Ifugao at naapektuhan ang ilang kalsada at ilang bahay sa lugar.

Hindi na rin madaanan ang ilang bahagi ng kalsada sa Kibungan, Benguet matapos ang paguho ng mga bato at putik, kasunod ng paglambot ng lupa dahil sa pag-ulan sa lugar. RNT

Previous articleBato lumuhod, nagmakaawa sa pulis: P6.7B drug haul, aminin na
Next articleBagyong Mawar humina na

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here