Home HOME BANNER STORY Ilang pasahero sa labas ng NAIA Terminal 3 natulog

Ilang pasahero sa labas ng NAIA Terminal 3 natulog

Kuha ni Crismon Heramis l Remate File Photo

MANILA, Philippines- Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Miyerkules para sa Holy Week break.

Ilan sa kanila ang nagpalipas ng gabi sa labas ng departure area ng terminal, ilang oras bago ang kanilang flight ngayong Miyerkules Santo.

(c) Crismon Heramis

Makikita rin ang mahabang linya ng mga sasakyan patungo sa departure area mula alas-5 ng umaga, at inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong araw.

Nakatalaga naman ang airport security personnel sa iba’t ibang lugar upang tiyakin ang seguridad at asistihan ang mga pasahero.

Batay sa pinakabagong datos mula sa Manila International Airport Authority (MIAA), nakapagtala ng halos 124,481 pasahero sa airport noong Lunes, at inaasahan ang dagsa ng mga biyahero hanggang mamayang gabi. Sa kanilang pagtataya, posibleng umabot sa 1 milyong pasahero ang dumaan sa NAIA mula March 24 hanggang 31. RNT/SA

Previous articlePamunuan ng Intramuros nag-abiso sa mga bisita
Next articlePCG nakapagtala ng higit 34K pasahero sa mga pantalan