Home METRO Ilang persons of interest sa kaso ng pugot na sekyu sa QC,...

Ilang persons of interest sa kaso ng pugot na sekyu sa QC, tinututukan ng QCPD

MANILA, Philippines – Kasalukuyang iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang ilang persons of interest sa kaso ng isang security guard na natagpuang pugot ang ulo ang loob ng isang car dealership sa Quezon City noong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Sinabi ng QCPD na kulang ang nakikitang palatandaan na pwersahang pinasok ang dealership, nangangahulugan na ang krimen ay posibleng inside job o ginawa ng sinuman na nakakakilala sa biktimang si Afredo Tabing.

Kasalukuyan pa ring hinahanap ang ulo ni Tabing, kasama ng cellphone nito na nawawala rin.

Ayon sa QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, kasalukuyan nilang sinubukang makakuha ng CCTV footage ng insidente.

Hinala ng mga pulis, nawalan na ng malay si Tabing sa pamamagitan ng isang kemikal, o kaya ay nagtamo ito ng head injury bago napugutan.

Bagama’t hindi pa makita ang malinaw na motibo, sinabi ng pulisya na kailangan ng dalawa hanggang tatlong tao na may personal na galit sa biktima para magawa ang naturang krimen.

Matatandaan na iniulat ng pulisya na natagpuan ang pugot na ulo ng biktima sa upuan sa service bay ng car dealership ng dalawa sa kanyang mga kasamang gwardya na magsisimula na sana ng kanilang duty. RNT/JGC

Previous articleHigit 31K jeeps sa NCR nanganganib mawalan ng prangkisa sa deadline ng consolidation
Next articleBoracay ‘di hihigpitan sa tumataas na kaso ng COVID, flu-like illnesses