Home NATIONWIDE Ilang Pinoy sa Gaza nakontak ng Pinas; kakulangan sa tubig idinaing

Ilang Pinoy sa Gaza nakontak ng Pinas; kakulangan sa tubig idinaing

MANILA, Philippines – MATAPOS maranasan na maputol ang komunikasyon, nagawa na ng gobyerno ng Pilipinas na kontakin ang ilang Filipino sa Gaza na nagpaabot ng kanilang kalagayan lalo na ang puntong nahihirapan silang magkaroon ng access sa tubig.

“We were able to get in touch with the Filipinos starting at 4 a.m. yesterday (Sunday). We were able to contact 87 Filipinos, including 57 in Rafah,” ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.

“While their food supply is sufficient, access to water is becoming increasingly difficult,” dagdag na pahayag ni Santos sabay sabing “136 Filipinos in the besieged enclave, “49 Filipinos remain unreachable for now,” subalit patuloy naman silang kinokontak ng embahada.

Sa kabilang dako, sinabi ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees (UNRWA), na walang convoy ng humanitarian aid ang pumasok sa Gaza noong Oktubre 28 dahil sa blackout sa komunikasyon.

Sa ulat, tanghali ng Oktubre 27 (New York time), in-adopt ng United Nations General Assembly ang non-binding resolution na nananawagan para sa humanitarian truce subalit noong mga nakaraang araw ay may nakitang walang tigil ang pagbomba sa coastal strip habang itinutulak ng Israel na lansagin ang mga Hamas.

Nag-abstain naman ang Pilipinas mula sa pagboto sa resolusyon dahil sa kakulangan ng pagbanggit o pagkondena sa cross-border attack na inilunsad ng Hamas laban sa Israel noong Oktubre 7 na nagresulta ng pagkamatay ng libo-libong katao kabilang na ang apat na Filipino. RNT

Previous articleSuplay ng kuryente sa BSKE, normal – DOE
Next articleAbstain vote ng Pinas sa UN resolution sa Israel-Hamas ‘humanitarian truce’ ipinaliwanag