MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Manila Police District -Public Information Office (MPD-PIO) na may naganap na jail break sa MPD-Police Station 1 o Raxabago Station ngayong Nobyembre 8.
Bagama’t ayaw pang magbigay ng buong detalye ang MPD-PIO, batay sa ulat ay siyam na preso ang nakatakas sa nasabing bilangguan.
Ayon naman kay MPD-PIO Major Philipp Ines, hindi pa batid ang eksaktong bilang ng mga preso na pumuga sa PS1 dahil inaalam pa ang buong detalye at impormasyon.
“Basta kumpirmado pero wala pa kami eksaktong detalye dahil naghihintay pa kami ng kumpletong report dahil andun pa si DD,”ayon sa panayam kay Ines.
Aniya, antabayan na lamang ang isasagawang presscon sa pangunguna ni MPD Director P/Col. Arnold Thomas Ibay, sa sandaling matapos ang kanilang pagsisiyasat sa nasabing himpilan ng pulisya hinggil sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden