Home METRO Ilang tindahan sa Manaoag Church nagliyab!

Ilang tindahan sa Manaoag Church nagliyab!

Larawan mula kay Andrea Aicey Rodriguez (Facebook)

MANAOAG, Pangasinan- Nasunog ang walong tindahang nagbebenta ng religious articles sa Gate 2 ng Minor Basilica ng Our Lady of Manaoag sa lugar na ito nitong Huwebes ng gabi.

Agad na rumesponde ang mga bumbero mula sa bayang ito, sa San Jacinto, Laoac, at Mapandan, kapulisan, at ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa sunog na mabilis kumalat dahil gawa lamang sa light materials ang mga stall.

Wala namang nasugatan sa insidente habang tinutukoy pa ang mitsa at kabuuang pinsala nito.

Naapula ang sunog ng alas-11:45 ng gabi.

Sinabi ni Mayor Jeremi Agerico na handa nilang tulungan ang displaced vendors.

“Nakakalungkot na balita. Sa mga kababayan nating naapektuhan sa insidenteng ito, maari po lamang na makipag-ugnayan sa ating tanggapan para sa puwedeng maitulong ng ating lokal na pamahalaan.  Papupuntahin din po natin mga kawani ng MSWDO para masuri at makausap po kayo.  Maging matatag at manalig lang po tayo. Salamat po,” wika ng opisyal. RNT/SA

Previous articleDSWD: Cash subsidies ‘mas praktikal’ kaysa bigas
Next articlePIRMA execs ipakukulong, kakasuhan ng Senado sa secret donor ng Edsapwera ads – solon