Home NATIONWIDE Ilang transport group ‘di lalahok sa tigil-pasada sa Lunes, Okt 16

Ilang transport group ‘di lalahok sa tigil-pasada sa Lunes, Okt 16

TINIYAK ng grupong Pro-Movers Transport Alliance na hindi sila lalahok sa nakatakdang transport strike o tigil pasada ng grupong Manibela sa Lunes (Oktubre 16) na naglalayong pahirapan lamang ang riding public.

Ayon kay Jess Banaga chairman ng grupong Pro-Movers Transport Alliance (Pro-Modern Vehicles for Economic Response Stability Transport Alliance) nagpasya silang hindi lumahok sa nakatakdang tigil pasada sa Lunes dahil ang mga mananakay ang tiyak na mahihirapan sa naturang transport strike.

Sa press conference sa Quezon City sinabi ni Banaga na nakahanda ang kanilang grupo na sumuporta sa pamahalaan at handang magbigay ng libreng sakay kung kakailanganin upang ang mga mananakay na maaapektuhan ng tigil pasada ng isang grupo ay aming matulungan na makapasok sa kani-kanilang trabaho at makauwi sa kanilang mga bahay.

“Mariing naming tinututulan ang muling pagbibigay ng Extension sa deadline ng consolidation sa December 31 para sa modernization program ng public utility vehicle” ayon kay Banaga.

Sinabi pa ni Banaga na sila ay sumusunod at sumusuporta sa programa ng pamahalaan patungkol sa pag-modernisa ng mga pampublikong sasakyan at bumubuo sa 70% na nagpa-consolidate.

Samantala nakakuha naman ng kakampi si LTFRB Chief Teofilo Guadiz sa grupong Pro-Movers Transport Alliance at sinabing walang katotohanan ang bintang sa LTFRB chief.

Samantala nauna ng nagpahayag ang grupong Manibela sa pangunguna ng chairman nito na si Mar Valbuena ng malawakang tigil-pasada ng kanilang grupo sa darating na Lunes (Oktubre 16, 2023) bilang sagot sa ibinulgar na malawakang koruspsyon sa LTFRB.

Sinabi pa ng grupong Pro-Movers na mayroong nag-akusa sa butihin chairman ng LTFRB ng katiwalian na isang tao at sinabi ng grupo na walang katotohanan ang naturang paratang sa LTFRB chairman.

Kaugnay nito pinababalik din ng grupong Pro-Movers sa kanyang puwesto ang sinuspinding LTFRB chief Teofilo Guadiz at sinabing wala silang ibinibigay sa LTFRB chief at wala rin hininging pabor o hinihingi kahit singkong duling ang LTFRB chief sa kanilang grupo o kahit sa anumang transport group. Santi Celario

Previous article3 Pinoy arestado sa droga sa Taiwan
Next articleMaximum compound inmate nahulihan ng droga sa Bilibid