Home OPINION ILIGAL NA DROGA LUSOT SA MGA KULUNGAN?

ILIGAL NA DROGA LUSOT SA MGA KULUNGAN?

KUNG ano-anong sistema at paraan ang ipinatutupad sa mga detention cell na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology upang hindi mapasok ang teritoryo nila ng iligal na droga.
Subalit kahit anong husay ng warden ng detention cell, mukhang nalulusutan pa rin ang iba sa kanila.
May ilang city jail sa Metro Manila na halos magpatupad na nang pagpapahubad ng lahat kasuotan ng mga dalaw, babae man o lalaki, upang makatiyak lang na walang makalulusot na kontrabando bago pa makadalaw sa nakapiit nilang mahal sa buhay.
Matindi ang pagrerekisa na ginagawa ng jailguards sa mga dalaw na may impormasyon na magdadala ng kontrabando o kaya naman ay may kahina-hianalang kilos kung kaya’t sapilitang isinasailalim sa pagpapahubad.
Buking na ng BJMP ang mga modus nang pagpapasok ng droga sa mga city jail lalo na ang paglalagay ng droga sa kanilang mga ari.
Maging ang paghahalo ng droga sa pagkain ay hindi na rin halos makalusot sa pamunuan ng BJMP at maging ang paghahagis sa loob ng mga piitan ng mga “epektus” ay nahaharang na rin sa pamamagitan ng mga ikinakabit na safety net na sumasalo sa mga inihahagis na kontrabando patungo sa loob ng kulungan.
Gayunman, maabilidad talaga ang mga may kinalaman sa iligal na droga dahil may mga nakukumpiska pa rin ang mga awtoridad sa loob ng mga kulungan.
Isang halimbawa ay ang sorpresang pagsalakay ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency at grupo ng mga piling tauhan ng BJMP na tinatawag na “Operation Greyhound” sa isang pasilidad na mahigpit ang sistema at paraang ipinatutupad subalit uulitin ko nga, nakalulusot pa rin ang droga.
Hindi naman kasi imposible na may mga kasangkot pa rin ang mga nasa likod ng iligal na droga sa hanap ng mga tauhan ng BJMP.
Eh bakit hindi? Malaking pera ang sangkot dito kaya hindi malayong hindi matukso ang ilang hail officer at maging ang mismong warden.
At para hindi malusutan, kamakailan lang ay iniutos ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang sorpresang pagsasailalim sa drug test ng lahat ng persons deprived of liberty at personnel ng BJMP sa Navotas City Jail.
Bakit? Kasi nakatanggap ang alkalde ng impormasyon na nakapapasok sa kulungan at tanggapan ang ipinagbabawal na droga.
Masuwerteng negatibo ang lahat ng tauhan ng BJMP subalit apat na PDLs ang positibo.
Ano kaya ang mangyayari kay Navotas City Jail warden J/Chief Insp. Lucky Dioniso? Maging lucky pa rin kaya siya kay Tiangco?
Hindi pwedeng walang comment dito si acting BJMP chief Ruel Rivera.

Previous articleG7 BACK UP NI PBBM
Next articleSOLAR POWERED PUMPS SAGOT SA WATER CRISIS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here