Home METRO Iligal na paputok nire-recycle, ibinebenta sa ibang pangalan – PNP

Iligal na paputok nire-recycle, ibinebenta sa ibang pangalan – PNP

MANILA, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang mga iligal na paputok na ibinebenta gamit ang ibang pangalan sa isang operasyon kamakailan sa Bocaue, Bulacan.

Natuklasan ng mga awtoridad ang mga establisyimento na nagbebenta ng mga iligal na paputok sa ilalim ng mga pangalang “Bin Laden”, “Coke in Can”, “Pla-Pla”, at “Goodbye, Covid” sa kabila ng naka-post na abiso sa lugar na nagbabawal sa sabi ng paputok.

“Iniiba-iba lang nila ang mga pangalan para makaiwas sa batas, pero ang sukatan talaga niyan ang dami ng pulbura na gamit kaya bawal,” ani PNP PRO3 Chief Police Brigadier General Jose Hidalgo.

Habang papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon, umuusbong ang negosyo sa Bonaue, na itinuturing na kabisera ng paputok ng bansa, kung saan maraming mga tagagawa ang ganap na gumagawa.

Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na maaaring magdulot ng pinsala ang mga paputok, kasunod ng kanilang pinakahuling bulletin na nagsasaad na mayroong 75 nasugatan at 6 na naputulan dahil sa mga insidenteng may kinalaman sa paputok noong Miyerkules. Santi Celario

Previous articleBuwanang renta na P10K, pababa tataas ng 4% sa 2024
Next articleCash aid sa 2024 budget makatutulong sa mahihirap na Pinoy vs El Niño