Home METRO Illegal fireworks na nakumpiska sa QC, Laguna dinispatsa ng PNP

Illegal fireworks na nakumpiska sa QC, Laguna dinispatsa ng PNP

MANILA, Philippines – Dinispatsa ng Philippine National Police ang mga iligal na paputok na nakumpiska sa iba’t ibang operasyon.

Nitong Sabado, Disyembre 30, agad na sinira at ibinaon sa lupa ang ilang illegal na paputok na nakumpiska ng Quezon City Police District.

Sinira rin ng Calabarzon police ang illegal fireworks na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Laguna.

Sa hiwalay na operasyon nitong Huwebes, halos P400,000 halaga ng illegal fireworks ang nakumpiska. Ang suspek ay naaresto at nasa kustodiya na ng Los Baños Police Station.

Matatandaan na inanunsyong mahigpit na pinagbabawal ang pagbebenta ng paputok online.

Sa Dinalupihan, Bataan, isang online seller at ilang mga kasamahan nito ang nahuli rin sa operasyon. Nakuha sa kanila ang ilang package ng mga paputok katulad ng sawa, at piccolo.

Mahaharap sa reklamo ang mga nahuli.

“As of kagabi ay umabot na po ng 31,000 mahigit po ang nakumpiska po natin na mga ilegal na paputok. At nasa 36 na po na insidente at operation ang ating inilunsad at 12 na po ang naaresto natin,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

“Sa online po, nasa 6 na po ang ating na-operate po at may mga nakuha na rin po tayong mga tao diyan,” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleTraslacion 2024 sa Davao, kasado na!
Next articleIsabela nakapagtala ng 5 firecracker-related injuries